Tuesday, November 9, 2010

Sermon ang almusal


     Two weeks have passed since we went to visit Sikatuna. We usually travel when Papang has gone to bed, para masulit ang quality time with them and also to avoid the traffic. Before leaving Muntinlupa, I sent Mom an SMS: 

"Uwi kami tonight, pahiram ng kama namin." 

Just so I wont disturb my Little Tomato and Chunky Lira who loves sleeping in my room. Mom was still up when we arrived. She asked "Anong gusto niyo breakfast bukas?" At dahil N-E-V-E-R kumakain ang mga tao sa Muntinlupa ng gulay,  I asked for Bacon, Lettuce & Tomatoes.


Saturday Morning, Tadaaaaah!!! BLT it is!!! Mom loves to sit with everybody on the table, kahit hindi siya kakain (she's from another planet & she hates eating), she just finds time to chit chat with us.


 Lesson for today: Being a Wife 101. Here are 5 things na tumambay sa utak ko hanggang ngayon:


- May sinapupunan ka. Wag kang bubukaka kung kani kanino. Napaka laking responsibilidad ng babae sa mundo.


- mabuti ng mag tiis ka, kesa lumaking walang tatay ang anak mo. Hindi naman ginusto ng  anak mo na isilang sa mundo, bakit mo siya bibigyan ng buhay na hindi kumpleto. Ikaw ang nag pakasarap, tapos, maghihirap lang yung anak mo.


- dapat talaga lawakan mo yung pang unawa mo, hindi ka lang asawa,  nanay ka rin.


- mag ingat at laging mag dasal. Kasi, kahit gaano mo pinag kakatiwalaan ang asawa mo, may mga babae talaga na mahilig sa may asawa.  Yun lang talaga ang gusto nila, hindi nila naiisip yung nasisira nilang pamilya. Lagi kayong mag dadasal na ilayo kayo sa mga ganitong klase ng babae.


- Lagi mong aasikasuhin si Arnel pag uwi niya galing sa trabaho.




Hay, ang sarap. Ang sarap ng almusal ko at ang sarap ng may Mommy.

No comments: