Thursday, November 25, 2010

May bubulong ako sayo..."Ako si Superman."



I always believed that I am Superman. My built, my talents, my skills, and my positive state of mind proves it.  I always believed I can do everything.  Lalo na pag ginusto ko, kakayanin ko. Hence the title of my blog: Can thoughts.

50/50 daw kami noon sabi ni Mommy, nag tumbling daw ako ng nag tumbling while her water bag broke and all her pusod were all around me hanggang napulupot na ako pati leeg.  After cutting my Mom open like a "daing" just to be born in this world, I have never been back to the hospital. I was never confined to a hospital bed. I used to wonder how it feels to have my nose bleed, bakit yung ibang bata nag gaganun, nahihimatay, nahihilo. Bakit yung mga kapatid ko, na dextrose na, ako never pa. Siguro, ako nga si Superman.

One day my Mamang-in-law wanted to introduce me to Aling Thelma.


Buntis: "Sino po si Aling Thelma?"
Mamang: "Yung inaanak kong kumadrona." 
Buntis: (*whoa!!!*)

It opened my eyes full bright. Then I spilled the wrong question: "Ilan na po ang napa anak ni Aling Thelma?" She answered with her loooooooooOOOOOOooooongest list of names and finished with "30 years ng nag papaanak yun, and a few more names added.


After that conversation. I started entertaining the thought, Bakit nga kaya hindi nalang ako kay Aling Thelma manganak imbis na sa St. Luke's."  I read in one book ( na galing pa sa UK, isang first world country) that some expecting mothers choose to give birth at home because they feel more comfortable, uncontrolled. Maiiwasan mo pa yung mga sakit na pedeng ipasa sayo ng mga hospital staff.

KUNSABAGAY:

1. Imagine the 100k savings for normal birth. Mag hire nalang kaya ako ng malupit na photo/videographer para ma document yung moment, yung pag ka himatay ni Arnel dahil hindi ako papayag na wala siya sa tabi ko pag sa kumadrona nga ako nanganak, yung reaction ng mga tao sa labas ng kwarto, yung moment.

2. Tumataginting na 100k. Pang Belo nalang kaya yun, kesa pampanganak sa isang "Class" na hospital. Nakita ko si Jinky nung huling laban ni Paquiao. Aba, Mas maganda na siya kay Bea Alonzo! Kaso, nakalimutan niya ipa-retoke yung kakambal niya. Katabi pa naman niya nung laban, kitang kita mo tuloy yung before and after Belo.

3. Class?! Bakit nga ba kailangan sa "Class" na hospital ka manganak? Pareho lang naman yung sakit na mararamdaman ko. Mababawasan ba ng isang "Class" na lugar yung labor pains? I will definitely not go for an EPIDURAL. My Mom always tells me na kaya siya makakalimutin dahil sa dami ng anaesthesia niya sa katawan, so, why would I want that? Ikakatalino ba ng anak ko yung pag labas niya sa isang "Class" na hospital? Mas magiging mahusay na athlete ba siya dahil don? Mas magiging creative ba siya? Ikatataas ba ng common sense niya yun?

4. Bakit di nalang namin gamitin ni Arnel yung 100K para ipaayos yung bahay ng mga Mamang at Papang para maging "Class" din yung papanganakan ko, kunsakali. Mapapasaya pa  namin sila! Regaluhan nalang kaya namin sila ng natural sun and ventilation, buksan ang likod bahay, mag lagay ng garden, ikakahaba pa ng mga buhay nila.

Andami daming tumatakbo sa isip ko. Sa darating na lingo ay mag sisimula na ang child birth class namin ni Arnel. Malalaman ko na kung kaya ko nga ang natural birth. At sa darating na Tuesday naman, mag kikita nanaman kami ng pinaka magandang OB ko, malalaman daw namin kung kaya kong mag normal or kung kailangan mag CS.  Malalaman ko na rin kung saan ako manganganak. Sa St Luke's ba o sa bahay nila Arnel.

Kunsabagay, May bubulong ako sayo..."Ako si Superman. Kaya ko lahat." ;-)

---

I always believed I have great God and He will never forsake me.

No comments: