Thursday, November 25, 2010
May bubulong ako sayo..."Ako si Superman."
I always believed that I am Superman. My built, my talents, my skills, and my positive state of mind proves it. I always believed I can do everything. Lalo na pag ginusto ko, kakayanin ko. Hence the title of my blog: Can thoughts.
50/50 daw kami noon sabi ni Mommy, nag tumbling daw ako ng nag tumbling while her water bag broke and all her pusod were all around me hanggang napulupot na ako pati leeg. After cutting my Mom open like a "daing" just to be born in this world, I have never been back to the hospital. I was never confined to a hospital bed. I used to wonder how it feels to have my nose bleed, bakit yung ibang bata nag gaganun, nahihimatay, nahihilo. Bakit yung mga kapatid ko, na dextrose na, ako never pa. Siguro, ako nga si Superman.
One day my Mamang-in-law wanted to introduce me to Aling Thelma.
Buntis: "Sino po si Aling Thelma?"
Mamang: "Yung inaanak kong kumadrona."
Buntis: (*whoa!!!*)
It opened my eyes full bright. Then I spilled the wrong question: "Ilan na po ang napa anak ni Aling Thelma?" She answered with her loooooooooOOOOOOooooongest list of names and finished with "30 years ng nag papaanak yun, and a few more names added.
After that conversation. I started entertaining the thought, Bakit nga kaya hindi nalang ako kay Aling Thelma manganak imbis na sa St. Luke's." I read in one book ( na galing pa sa UK, isang first world country) that some expecting mothers choose to give birth at home because they feel more comfortable, uncontrolled. Maiiwasan mo pa yung mga sakit na pedeng ipasa sayo ng mga hospital staff.
KUNSABAGAY:
1. Imagine the 100k savings for normal birth. Mag hire nalang kaya ako ng malupit na photo/videographer para ma document yung moment, yung pag ka himatay ni Arnel dahil hindi ako papayag na wala siya sa tabi ko pag sa kumadrona nga ako nanganak, yung reaction ng mga tao sa labas ng kwarto, yung moment.
2. Tumataginting na 100k. Pang Belo nalang kaya yun, kesa pampanganak sa isang "Class" na hospital. Nakita ko si Jinky nung huling laban ni Paquiao. Aba, Mas maganda na siya kay Bea Alonzo! Kaso, nakalimutan niya ipa-retoke yung kakambal niya. Katabi pa naman niya nung laban, kitang kita mo tuloy yung before and after Belo.
3. Class?! Bakit nga ba kailangan sa "Class" na hospital ka manganak? Pareho lang naman yung sakit na mararamdaman ko. Mababawasan ba ng isang "Class" na lugar yung labor pains? I will definitely not go for an EPIDURAL. My Mom always tells me na kaya siya makakalimutin dahil sa dami ng anaesthesia niya sa katawan, so, why would I want that? Ikakatalino ba ng anak ko yung pag labas niya sa isang "Class" na hospital? Mas magiging mahusay na athlete ba siya dahil don? Mas magiging creative ba siya? Ikatataas ba ng common sense niya yun?
4. Bakit di nalang namin gamitin ni Arnel yung 100K para ipaayos yung bahay ng mga Mamang at Papang para maging "Class" din yung papanganakan ko, kunsakali. Mapapasaya pa namin sila! Regaluhan nalang kaya namin sila ng natural sun and ventilation, buksan ang likod bahay, mag lagay ng garden, ikakahaba pa ng mga buhay nila.
Andami daming tumatakbo sa isip ko. Sa darating na lingo ay mag sisimula na ang child birth class namin ni Arnel. Malalaman ko na kung kaya ko nga ang natural birth. At sa darating na Tuesday naman, mag kikita nanaman kami ng pinaka magandang OB ko, malalaman daw namin kung kaya kong mag normal or kung kailangan mag CS. Malalaman ko na rin kung saan ako manganganak. Sa St Luke's ba o sa bahay nila Arnel.
Kunsabagay, May bubulong ako sayo..."Ako si Superman. Kaya ko lahat." ;-)
---
I always believed I have great God and He will never forsake me.
Thursday, November 11, 2010
Why do I love thee let me count the Why's - 017
DUYAN
Scenario: There's an ongoing renovation at the De Silos' residence.
Papang: Eh kailangan mag lagay ka narin diyan ng sasabitan ng duyan.
Bea: (*smiles*)
Mamang: Dito o! Si Jera noon dito lang nakasabit eh...(pointing the roof eaves sa bahay sa likod)
Papang: Hindi, dun nalang sa garahe, para kahit nag babantay ako ng tindahan, maduduyan ko yung baby!
---
These people are the funniest! They make me humble. ;-)
Tuesday, November 9, 2010
Sermon ang almusal
Two weeks have passed since we went to visit Sikatuna. We usually travel when Papang has gone to bed, para masulit ang quality time with them and also to avoid the traffic. Before leaving Muntinlupa, I sent Mom an SMS:
"Uwi kami tonight, pahiram ng kama namin."
Just so I wont disturb my Little Tomato and Chunky Lira who loves sleeping in my room. Mom was still up when we arrived. She asked "Anong gusto niyo breakfast bukas?" At dahil N-E-V-E-R kumakain ang mga tao sa Muntinlupa ng gulay, I asked for Bacon, Lettuce & Tomatoes.
Saturday Morning, Tadaaaaah!!! BLT it is!!! Mom loves to sit with everybody on the table, kahit hindi siya kakain (she's from another planet & she hates eating), she just finds time to chit chat with us.
Lesson for today: Being a Wife 101. Here are 5 things na tumambay sa utak ko hanggang ngayon:
- May sinapupunan ka. Wag kang bubukaka kung kani kanino. Napaka laking responsibilidad ng babae sa mundo.
- mabuti ng mag tiis ka, kesa lumaking walang tatay ang anak mo. Hindi naman ginusto ng anak mo na isilang sa mundo, bakit mo siya bibigyan ng buhay na hindi kumpleto. Ikaw ang nag pakasarap, tapos, maghihirap lang yung anak mo.
- dapat talaga lawakan mo yung pang unawa mo, hindi ka lang asawa, nanay ka rin.
- mag ingat at laging mag dasal. Kasi, kahit gaano mo pinag kakatiwalaan ang asawa mo, may mga babae talaga na mahilig sa may asawa. Yun lang talaga ang gusto nila, hindi nila naiisip yung nasisira nilang pamilya. Lagi kayong mag dadasal na ilayo kayo sa mga ganitong klase ng babae.
- Lagi mong aasikasuhin si Arnel pag uwi niya galing sa trabaho.
Hay, ang sarap. Ang sarap ng almusal ko at ang sarap ng may Mommy.
Subscribe to:
Posts (Atom)