Saturday, November 8, 2008

Singapore Humbling Effects & Truths 005

Red cups na.



Pauwi ako sa overtime kanina. Katabi lang ng bus stop kung san ako sumasakay pauwi ang Starbucks. Walang pambili, kaya sinilip ko nalang ang mga tao sa loob. Napangiti nalang ako ng napansin kong:

Red cups na!

Malapit na pala ang pasko ano? Dito sa Singapore, walang kahit konting simoy ng hangin na magpaparamdam sakin ng lapit kapaskuhan. Siguro kasi matagal na rin akong di napapadpad sa orchard. Marahil lunod na ng christmas lights at christmas balls doon ngayon. Exaggerated na minsan, pero di pa rin nila mabili ang "Christmas spirit".

Sa bus, gustuhin ko man mag munimuni upang ituloy ang dalang alaala ng red cups, kinontra ito ng ingay ng mga nag uusap na intsik na kasakay ko sa bus:

"Ging gang gu di gudi gudiwakwak,
Ginggang goo ginggang goo!"

Demutres na yan oh. Maingay na, hindi mo pa maintindihan. Excited kaya sila sa pasko kaya malakas ang mga boses nila? O as usual, nameomroblema sila sa trabaho.

Less than 50 days nalang, pasko na.
Kung nasa pinas lang ako ngayon, unti-unti na namin pinupuno ng regalo ang ilalim ng Christmas tree na nakatayo na nung October 18 pa.

Pagpasok ko ng mall, pagbukas ko ng radio, madidinig ko na ang himig ng pasko,

Anjan na rin siguro ang mga pulubi na nanghaharana ng karoling sa gitna ng trapik,

Kapansinpansin ang liwanag ng kutitap ng mga parol sa gabi,

Marahil, nabiktima nanaman ako ng Starbucks at kinakalampag ko ang mga tao upang tulungan akong punuin ang stampcard para makakuha ng libreng organizer.

Ang Mommy ko,may gawa ng fruit salad sa ref na sa panahong ito ko lang natitikman.

As early as now, mapipinta na sa mukha ng bawat Pilipino na parating na ang pinakamasayang buwan ng taon. Tila natataranta. Problemado sa hirap ng buhay but half of themselves are pre-occuppied with the thought of Christmas.

Andito ang katawan ko, pero ang puso't isipan ko, bihag na bihag ng Pilipinas kong mahal. Mabuti nalang, marami kaming masayang alaala ni Pilipinas. Gaano man ako kapagod sa libreng overtime, may sapat na rason ako para ngumiti sa byaheng mula office hanggang bahay.

3 comments:

Anonymous said...

asi es la vida
que vamos hacer!

ako nung wala pa akong FAMILY tuwing pasko ay sobrang lungkot ko
kaya maski anong hirap pakisamahan si daddy...natitiis ko kasi mas mahirap ang walang family.

Gilchrist said...

Ngayong papalapit na ang Pasko... napapansin ko rin na Bukod sa mga Pamilyang nagre-Reunion..

Nagre-Reunion na rin yung mga Kolektor sa Bahay namin sabay Abot ng Envelope na may naka-Stamp "Merry Christmas and A Happy New Year"
Nandyan yung Araw-Araw nang may kolekta ng Basura. Ang Kantor na biglang magdadala ng sulat kahit puro email lang ako. at Panay-Panay ang Roving ng Bike ni Mamang Guard.

Gayunpaman, mas lalong sumasaya ang Pasko bawat taon dahil dati... Ako yung dinadala sa CDO, Star City, Payanig Sa Pasig, Big Bang sa Alabang at kung saan-saan pa...
Ngayon may pamilya nakong pinapasyal at pinapasaya.

Christmas always reminds us of the Birth of Christ...
Wag masyadong maging Fans ni Santa Claus.
Maligayang Pasko at Maligo sa Bagong Taon!

Anonymous said...

Mommy: Awww, thanks for keeping the family together. Super inlove ka talaga sa ka gwapuhan ni Daddy kahit ayaw mong aminin. Anyway, gaya ng sabi ni Christ, pasyal mo ako sa Star City ah! Ako nalang ang anak mo!!! and don't forget to put a gift for me under our Christmas tree...See you soonest!

Chist: Gutom ka ba? COD yun hindi CDO! hanep naman ang mga realizations mo. Sa susunod, boboto kitang Ulirang Ama. Husay!