Tuesday, November 11, 2008

Singapore Humbling Effects & Truths 006

Rags to riches, blank to bitches - the Singapore effect


May kaibigan si Hamsum na balak gumawa ng magzine tungkol sa mga pinoy dito sa Singapore. Hiningan niya ako ng ideas para dito. Sa buong akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan. Frustration ko kaya ang advertising. Wala pang isang minuto ay na arouse na ang utak ko!

Ang suhestiyon ko ay ipakita niya ang epekto ng Singapore sa isang OFW. Before and after baga. Halimbawa:

Ang noo'y pa-tweetums nung college na ngayon ay isang kabit.

Ang noo'y isang manginginom na tambay after graduation na ngayo'y nag papaaral ng mga pamangkin.

Ang noo'y nag top sa board exam, na ngayo'y naging draftsman.

Ang noo'y may pusong lalaki, na ngayo'y isang mabuting ina na.

Ang noo'y laman ng beerhouse, na ngayo'y abot langit na ang respeto sa babae.

At meron din ang noo'y ikakasal na sa Pilipinas, na ngayo'y inlove na inlove na bagong boyfriend.

Iba-iba ang epekto satin ng Singapore. Palagay ko'y lamang ang napabuti. Epekto ng mga di inaasahang pagkakataon, epekto ng pagiging independent, epekto ng pagkamulat sa totoong mundo, epekto ng pangungulila, epekto ng plano ni God.

---

Nabanggit ko ang topic na ito kay Hamsum. Sumang ayon naman siya sa mga nasabi ko at sa mga halimbawang kathang isip lamang. Pinamahagian niya pa ako ng mga natutunan niya sa mga kainuman niyang beterano na dito sa Singapore.

Lesson no.1
Kung dati kang bulok sa Pinas, pag tumagal ka na dito sa Singapore. Di mo na hahayaan ang sarili mong bumalik pa sa dati. Magkaiba na ang tingin mo sa sarili mo at sa mga dati mong tropang tambay.

Lesson no.2
Kung ano man ang nakamtan mo na, hindi mo na hahayaang bumaba pa dito ang mga maari mo pang makamtan. Hindi mo mapapansin ay may nabuo na sayong standards.

Lessons na hindi ko matututunan sa classroom, sa inuman lang. Tagay pa!!

1 comment:

Gilchrist said...

Ako nga napapansin ko dyan...

Dati kanan ka maglakad, ngayon nasa kaliwa ka na ng sidewalk.

Likas sa Pilipino ang "Maiba"... yan ang turo nila Kuya Bodjie at Ate Shena. Maaaring nakakatulong sa atin ang pangingibang-bansa dahil nagiiba din ang ating ugali kumpara nung nasa Pilipinas tayo.

Pero eto ang napansin ko lalo na sa mga taong nagbabagong-anyo (parang werewolf). Nag-uugat ang inspirasyon mong magbago kapag napansin mong "sagad" ka na sa kalokohan o kabutihan. Maiisip mong nagawa mo na yung matindi at kabisado mo na yun.

Ang hamon: Bakit di kaya ako mag-180 degrees. Kaya ko ba yun? Ha? Magaling ka ba? Ha? Gawin mo nga? Hawakan mo nga sa tenga? Ha!

Ang maganda dito, alam mong may bago kang matututunan. Alam mong sasaya ka dito. Alam mong mapapansin ng tao ang iyong pagbabago. Kaya sa pagbalik mo, di ka nila masyadong kilala... para kang si Darth Vader, di nila alam na ikaw si Anakin... kasi ikaw yung Inanakan.

Pero nagbago ka nga. May standards ka na di tulad ng standards ng tropang tambay. Dati ikaw ang tinuturuan pero ngayon ikaw na ang nagtuturo sa kanila ng daan pano magbago, pano umunlad, saan magsimula, Paano gagawin?

Halimbawa:
Sinung mas madalas mag-aral satin?Ikaw di ba, o di magkakatrabaho ka.
Sinung mas madalas maglayas satin? Ako di ba, eh di pwede ka pa umuwi

Ang taong gustong magbago ay humuhugot ng inspirasyon sa mga taong nagbago na...