Time flies talaga when you're working! Working really hard. Si Maia Banana ay maglilimang buwan na sa mundo. Marami na siyang kayang gawin. Kaya na niyang humaching ng malakas. Parang totoong tao. Parang mama lang sa kanto. Kaya na niyang umutot na parang totoong tao. Lupet!
At ang pinakabago ay marunong na siyang kumain ng cerelac. Nakup!!! Mag-iiba na ang no.2 niya. Goodluck.
Ang dami na niyang achievements. Kung sino sino na ang napapunta niya sa Singapore. Matapos siyang alagaan ng ilang buwan ni Lola Baby at Gramma, napapunta niya sa Singapore si Ate Jing. Habang kasalukuyang nilalakad ang passport ni Nova na siya namang papalit kay Ate Jing.
Nakakakain na ulit ako ng pinaka masaRRRaaaaaaaap luto ni Ate Jing, breakfast, lunch and dinner! May tumutulong na ulit sakin mag laba, mag plantsa, mamalengke, at maglinis ng kwarto ko.
Sa wakas, Hindi na naninigarilyo ang Kuya ko sa loob ng bahay.
Napalipat niya kaming lahat from Condo to HDB. Kelangan magtipid para sa kinabukasan. Higit sa lahat, napigilan niya ang isang batong malapit ng tumama sa ulo ko dahil sa pangarap kong pagbukod.
Hindi man siya nakakalipad, but with this very tiny little angel, comes a very mighty power, na hindi niya inaabuso at ginagamit niya lang ito for the greater glory of everybody.
---
Naisip ko lang kanina habang nag sasapatos ako sa tabi ni Maia. Buhat siya ni Ate Jing. Mabuti nalang Maia ang pangalan niya. Kahit sinong mag alaga sa kanya, perfect pronounciation ang bigkas sa "Maia" (Mah-yah). Kahit na san ka pang sulok ng mundo nag mula, Ilocano, Bisayas, UK or Australia, Maia (Mah-yah) pa rin lalabas sa bibig mo.
Exemption to the rule:
Si Mommy, pilit na tinatawag si Maia ng three syllables instead of two. Ma-ee-yah. Kulet talaga ni Gramma!
---
Teka, I really had to google it to check. Agila (Philippine Eagle) pala ang pambansang ibon!
No comments:
Post a Comment