Friday, February 13, 2009

Why do I love thee, let me count the why's 014


H.H.W.W. at the bridge from the Merlion to Esplanade, he looked at me with a very naughty smile and said:

"Oh,Enday, Ebebegay ko sayuh ang bowan at arawh..."

---
wtf ??!

Wednesday, February 11, 2009

Ang Pambansang Ibon


Time flies talaga when you're working! Working really hard. Si Maia Banana ay maglilimang buwan na sa mundo. Marami na siyang kayang gawin. Kaya na niyang humaching ng malakas. Parang totoong tao. Parang mama lang sa kanto. Kaya na niyang umutot na parang totoong tao. Lupet!

At ang pinakabago ay marunong na siyang kumain ng cerelac. Nakup!!! Mag-iiba na ang no.2 niya. Goodluck.

Ang dami na niyang achievements. Kung sino sino na ang napapunta niya sa Singapore.
Matapos siyang alagaan ng ilang buwan ni Lola Baby at Gramma, napapunta niya sa Singapore si Ate Jing. Habang kasalukuyang nilalakad ang passport ni Nova na siya namang papalit kay Ate Jing.

Nakakakain na ulit ako ng pinaka masaRRRaaaaaaaap luto ni Ate Jing, breakfast, lunch and dinner! May tumutulong na ulit sakin mag laba, mag plantsa, mamalengke, at maglinis ng kwarto ko.

Sa wakas, Hindi na naninigarilyo ang Kuya ko sa loob ng bahay. Yehey, pumanaw na ang amoy mama. Hindi ko na forever inaantay ang turn ko sa pag gamit ng toilet bago pumasok ng office. Ang mahabang ritwal ni Kuya ng pagkakape, yosi, dasal at ewan ko pa kung anong ginagawa niya, ay, Thank God!!! nalipat na ng trono. Buti nalang magkatabi ang toilet at ang kwarto ni Maia Banana. Bawal na siya dun!

Napalipat niya kaming lahat from Condo to HDB. Kelangan magtipid para sa kinabukasan. Higit sa lahat, napigilan niya ang isang batong malapit ng tumama sa ulo ko dahil sa pangarap kong pagbukod.

Hindi man siya nakakalipad, but with this very tiny little angel, comes a very mighty power, na hindi niya inaabuso at ginagamit niya lang ito for the greater glory of everybody.

---

Naisip ko lang kanina habang nag sasapatos ako sa tabi ni Maia. Buhat siya ni Ate Jing. Mabuti nalang Maia ang pangalan niya. Kahit sinong mag alaga sa kanya, perfect pronounciation ang bigkas sa "Maia" (Mah-yah). Kahit na san ka pang sulok ng mundo nag mula, Ilocano, Bisayas, UK or Australia, Maia (Mah-yah) pa rin lalabas sa bibig mo.

Exemption to the rule:
Si Mommy, pilit na tinatawag si Maia ng three syllables instead of two.
Ma-ee-yah. Kulet talaga ni Gramma!

---

Teka, I really had to google it to check. Agila (Philippine Eagle) pala ang pambansang ibon! Engot.

Tuesday, February 3, 2009

"Pagmamahal ng isang Ina"



(ang reaction ni Nanay pag katapos mabasa ang blog ko)
[16:36] mommy: IKAW ANG PINAKA INDEPENDENT SA LAHAT NG MGA KAPATID MO ANAK
[16:36] mommy: matagal ka ng independent

[16:37] mickeyspyjamas: ngek
[16:37] mickeyspyjamas: inuto pa ako
[16:37] mickeyspyjamas: hehhehe

[16:37] mommy: pati si ate nag aalala sa iyo kasi MAGANDA KA DAW , TAPOS MALAKE PA DAW ANG BOOPS mo...kaya dapat magiingat ka daw ng husto
[16:37] mommy: hindi kita inuuto...
[16:37] mommy: HIGH SCHOOL KA PANG INDEPENDENT KA NA....palague mo akong tinatakasan..
[16:37] mommy: at marami pang iba

[16:37] mickeyspyjamas: hahahhahaah

[16:37] mommy: ano pa ang gusto mong hangarin
[16:38] mommy: ISIPIN MO LAHAT NG INDEPENDENCE MO NAPAKA RAMI

[16:38] mickeyspyjamas: hahahaa

[16:39] mommy: BINUGBOG...SINUNTOK na kita...INDEPENDENT KA PARIN...MASKI UMIIYAK NA AKO SA BATH ROOM LUMULUHOD SA DIOS NA INGATAN KA....INDEPENDENT KA PA RIN ....TAPOS ANO PANG INDEPENDENCE ANG GUSTO MO.

Monday, February 2, 2009

Singapore Humbling Effects & Truths 010

Final Act: Wanted Bedspacer


(
**Play niyo muna yung video bago magsimulang mag basa. Nasulat ko ang blog na ito, habang pinapakinggan ko ang musika ng ex kong si E l y. Sarrrap! Langit!)

Ang bawat kwento ay may bwakanabitch na "finale". Pag katapos ng highs and lows ng mahabang storya, sa may hulihan mapapatunayan ng bida ang mga natutunan niya sa lahat ng naka-engkwentro niya sa bawat suliranin o kaligayahan, mabibigyan siya ng huling pagsubok, at dito kadalasan maipapamahagi ng Bida ang Moral Lesson.

---

Noong paalis ako ng Pinas noon, wala akong inisip, wala akong tinimbang. Bagamat may malaki akong responsibilidad sa mundo, na-warningan na nga ako ni Nanay, pinanindigan ko pa rin ang tigas ng aking ulo,
binalewala ko ito at nilunok ko ang "bitterpill" ng aking pagkatao. Para akong binatukan ng higante at nagising sa katotohanan ng mundo. Hinugot ng tigas ng ulo ko ang langit na tinatamasa ko sa Pilipinas.

No regrets! Andami ko naman natutunan. Pangatlong araw ko palang nun, nag inum kami ng Kuya ko sa beach sa may East Coast.

Kuya: "Ayusin mo ang buhay mo dito, magpasalamat ka may fall back ka.yung ibang tao, marami kang makikilala na kaya sila andito dahil sa matinding pangangailangan. Wala silang choice."

Kuya: "Ayusin mo yung decision making mo, maraming tao dito, matanda na pero wala pang asawa. Inuna kasi nila yung mga pa-gimik gimik, bili ng bili ng kung ano ano, tinan mo sila, Malulungkot ang buhay nila ngayon."

And the list of lessons I learned goes...

...age doesn't matter
merong makukunat na, napapanot na, pero ngayon palang nag banat ng buto.
Mas marami kang matututunan kung hindi ka naging "baby" ng nanay mo.
Meron ka sanang "balls".


...wag maglalaro ng apoy
nakakapaso to, minsan, pede ka pa matumpok!


...it's a small world after all.
mag ingat ka sa kalokohan na gagawin mo.
sigurduhin mo ng kaya mo to panindigan.
siguraduhin mong may mukha ka pang ipapakita dahil konektado ang lahat ng tao.


...there's an exemption to every rule
alamin mo kanino ka magsusumbong ng mga problema mo,
blood is thicker than water pero pag ginalaw mo ang stock na wine ni Kuya,
walang blood blood!

...Magtanim ay di biro,
kung ano ang puno, siya ang bunga.

pag galit ang tinanim, galit din ang aanihin.
pag sperm ang tinanim, after nine months, may baby na!
kaya wag gawing biro ang pag tatanim.


...action and reaction
Ngayon, nag aagree na ako kay Issac Newton.
"Do unto others as you would have others do unto you."
Sadyang gintong kaalaman nga ito.


...huwag na huwag mamamangka sa dalawang ilog.
Isa ka lang eh.
It's either you are in Singapore or you are in Manila.
wag mag chat/blog habang nag tratrabaho.
FOCUS.
One pangarap at a time lang
kaya alamin mo talaga kung anong gusto mo.

...follow your heart and everything will follow
pag alam mo na ang gusto mo,
ibuhos mo ang buong puso mo dito,
mapapansin mong susunod buong pagkatao mo
pati na rin ang ibang tao.

...words can kill
Mas mabaho pa ang tunog ng "gago" kesa sa tunog ng utot.
lahat nadadaan sa maayos na usapan.

...in dying will you rise again
ang bawat heartbreak ay may katumbas na bagong pag ibig
pag naalis ka sa trabaho,
pede mo na itaas ang asking price mo sa susunod na papasukan mo
kasi may experience ka na!

...no pain, no gain.
pag hindi ka tumakbo ng 10km, you will gain weight.
pag dumedede ka lang lagi sa nanay mo, pain yan sa suso ng nanay mo.
pag walang kirot, hindi mo malalaman ang sarap.

...truth in love
honesty is the best memory
ang bawat tao ay may pakay
meron nakikisawsaw lang sa comforts mo sa buhay
marami ang nakikitungtong lang
do not talk to strangers

...time is gold
pero wag magmamadali
it's the journey, not the destination
pag isipan maige ang bawat desicion.
wag ka lang biglang tumalon, silipin mo muna ang babagsakan mo.


...do not jump into conclusion
alamin mo muna lahat ng facts
timplahin mo muna ang tubig bago ka pumasok sa shower,
pinaka bad trip ang malamig na tubig sa umaga.

...Pray
I have a great God and He has plans for me.
He makes all things bea-utiful, in His time.
Do everything without complaining.
Give thanks in all circumstances, for this is God's will for you.
You are where God wants you to be.

---

Akala ko noon magiging independent ako sa Singapore, pero, tumira ako sa Kuya ko. Kwento ng misis niya, ipinaghanda pa ako ni Kuya ng unan at comforter nung gabi bago ko dumating. Si Kuya ang naging proxy ni Mommy at Daddy dito sa abroad.

Sa February 28 ang huling araw namin sa aming home sweet home na Lorong 31. Makalipas ang 3 taon, kinakailangan ko ng mag paalam sa pinakamamahal kong treadmill at swimming pool. Lilipat na daw kami sa HDB.
Eto na, nakakita ako ng butas para maging independent. Pede na akong bumukod. Natatanaw ko ang salitang "independent" sa dulo ng maitim at mahabang tunnel.

Isa nanaman kaya itong "bitterpill"?
Ano kaya ang mga pede kong matutunan?
Tatalon na ba ako?