Wednesday, June 4, 2008
I was raped in Saigon, Vietnam.
May sakit ako. Hindi ko alam saan ko nakuha ito. Natatandaan ko lang, nung Grade 7 ako, nag bakasyon ng 2 buwan si Nanay sa America kaya kinailangan kong matuto sumakay ng jeepney mag isa. 2.50 palang ang pamasahe, simula noon, hindi ko na mapigilan ang pagtuklas ko sa mundo. May nunal ako sa magkabilang paa. Mirror image, exacto, magkatapat. Sila kaya ang may kasalanan? Siguro.
Para sa iba, hindi ito sakit. Sabi ni bunso, bisyo ko daw to. Ito ang nag papa-high sakin, hinahanaphanap ko at katulad ng ibang bisyo, mahirap i-maintain.
Nung nakaraang Chinese New Year, ginamit ko ang mga araw na walang pasok at bumyahe ako mag isa patungong Saigon, Vietnam. Gusto kong subukan ang hangganan ng sarili ko, kaya, pinalipas ko ang isang araw na mag isa ako bago ko pinasunod sila Nanay at Tatay. Ang sarap, ang dami kong natuklasan sa sarili ko. Dumaan naman ng maluwalhati ang gabi sa aking kwarto ng hindi ako binagabag ng mga kalaro kong multo sa utak ko. Kinabukasan, bago ko sila sinundo sa airport, may kumalabit sa sikmura ko. Isang Viet Restaurant na puno ng turista. Alas 8 palang ng umaga eh may mga grupo na ng nag iinuman. Sa aking pag iisa, may lumapit na babaeng gumagapang sa sahig, binentahan ako ng Postcards ng lugar nila. Siguro isa siya sa mga mine victims ng Vietnam War. Wala siyang mga paa, nabasag ang puso ko. Habang pumipili ako ng postcard, dumating ang waitress dala ang menu. Hmmm...Spring Roll!! 2 order sabi ng utak ko, isa sa Postcard vendor, at isa naman para sa akin. And so I ordered. Matapos akong makapamili ng postcards, sinauli ko sa kanya ito at sinabing:
"Come, have breakfast with me!"
Eksakto naman ang pagkahain ng agahan namin. Sinilip niya.2 plato ng Spring Roll, tig-6 na piraso na kasing sukat ng daliri ko. Maganda ang presentasyon katabi ng sawsawan. Nagulat nalang ako ng sinabi niyang:
"No, Thank you."
sinagot ko siya ng:
"Why?"
and with all honesty she said:
"Because I'm vegetarian."
Huwat??! Pakiramdam ko, na Bubble gang ako! Toink!!! ( Ito ba yung part ng kailangan ko na mag funny face?)
Andaya! Pagkatapos ko siyang tulungan, iniwan niya akong may malaking problema. I am also a vegetarian, a pesco-vegetarian. I can only eat seafood and vegetables. Bakit kamo? May napanood ako sa internet, kitang kita ng dalawang mata ko kung pano walang awang pinugutan ng ulo ng mga rebelde ang biktima nila gamit ang bread knife. Malinaw pa hanggang ngayon kung paano unti-unting humiwalay ang ulo sa katawan at ang close-up na pugot na ulo at ang mga laman loob nito sa may leeg. After 5 years of avoiding pig cow and chicken, I fell into this trap where I had to choose between my kaartehan and this value that my Mother deeply planted in me: Bawal magtapon ng pagkain. Literally! Kelangan pag kukuha ng sawsawan, eksakto lang, kahit na libre pa ito. Pag may natirang Milo at nakita niya ito sa hugasan, babalik niya to sayo at hindi aalis hanggang hindi mo sinisimot. Gather your food. Maraming hindi kumakain. Yang mga butil na tinitira mo, hahanapin mo yan pag tanda mo. Purgatory.
"Oo na, kakainin ko na!!!" Natalo ang kaartehan ko. Bad trip naman o! Nadenggoy ako ng litrato, mukang puro gulay, may giniling na pig pala sa loob. Maraming namamatay sa maling akala. Hindi naman ako namatay, I just felt raped. Wala akong magawa. Inulit ulit niya pa, 12 times! Pakiramdam ko, kumakain ako ng sugat. Galis. Nana. Wala akong nagawa. Isang pitsel na tubig lang ang sumaklolo sakin.
Turo pa ni Nanay, sa mga pagkakataon na hindi mo gusto ang nangyayari sa buhay mo:
"Offer your sufferings for the conversion of sinners."
Sino kaya yung 12 kaluluwang naligtas ko nung umagang yun?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ka iga igayang basahin ang iyong ma-iiksing kwento.. :)
Post a Comment