Saturday, October 16, 2010

Contractor slash Under the Saya

Linggo ngayon pero may tinatapos kaming trabaho kaya pinapasok namin ang mga tao namin para hatawin ang kaya nilang hatawin. May hinahabol kaming deadline kaya halos araw araw kaming nag papa OT ng mga tao.

Ang arkitekto at contractor, kailangan nasa site, kasi maraming mga desisyong kailangang gawin sa site. Isang maliit na mali lang, kailangan ulitin ito dahil konektado ang bawat detalye. At pag umulit ka ng trabaho, ibig sabihin, nasayang ang materyales, nasayang ang oras at nasayang ang energy ng mga gumawa nito.

Madalas ang inuman ng barkada ng asawa kong Architect Contractor. Kaliwat kanan. Madalas ding hindi siya nakakasama sa dahilang lagi kaming pagod dahil lagi kaming may hinahabol na deadline at lagi kaming kailangan gumising ng maaga para lang masigurong tama ang lahat ng gagawin ng mga tao.

Madalas na ang rason ng inuman eh meeting daw. Meeting para may tulungan na isang kabarkada. Meeting pano i aahon si ganito. Meeting pano aasenso. Meeting para sa isang donasyon. Pilit na pinagaganda ang pakay kung bakit kailangan ng inuman para makadalo ang lahat.

Subalit, dahil sa madalas meron kaming deadline. Madalas hindi tumatalab ang mga meeting meetingan na yan. Ngayon umaga, naka tanggap ng isang mensahe ang asawa kong Architect Contractor:

Kailangan daw ng sasakyan para makapag lipat bahay ang isang kabarkada. Alas 8 ng umaga, dali daling pinapunta ko siya upang makatulong sa Lipat Bahay. Alas 12 na, hindi pa rin sila tapos sa hakutan.

Linggo ngayon, walang pasok ang mga normal na empleyado. Kami lang yata ang may pasok kasi, MAY DEADLINE KAMI. Nasaan na kaya ang magagaling mag set ng "meeting", eh wala naman silang pasok ngayon.
Ilan ba ang may sasakyan dun? Ilang ba ang kayang mag buhat duon?

Baka hindi pinayagan ng mga asawa. Under the Saya ba ang tawag doon?!